Biglang bumuhos ang ulan. Nagkagulo ang mga tao. Kanya kanyang sukob sa karinderya ang mga pasaherong pipila sana sa jeep papuntang Washington. Buti nalang may dala akong payong. Napansin ko ilan ilan lang ang mga taong may dalang payong. Halos lahat nakatanga sa silong ng karinderya nagdadasal na sana tumigil na ang ulan. At dahil may dala akong payong, madali akong nakasakay sa jeep.
Habang nakaupo ako sa dulo ng jeep at ninanamnam ang malamig na hangin, marami akong na-realize. Let me share it with you.
Una, ang ulan parang problema. Hindi mo alam kung kelan darating. Pero alam mo na anytime guguluhin ka. Kanina bago ko umalis maaraw naman. There was no hint that it would rain. Parang problema, bibiglain ka nalang. And you’ll be caught off guard pag wala kang shield. Therefore, dapat magdala ng payong! That leads to the next point.
Jesus is our umbrella. He is our weapon against the enemy. Aminin nyo meron kayong mga payong sa bahay ayaw nyo lang dalhin for some reasons! That should be a lesson to us. We have Jesus. We can ask for His help anytime we are faced with any problem.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home